Current time: 11-24-2024, 08:19 AM
Dos Ekis
Alyas Galema, hudas, imbi, taksil na gawa sa plastik!
#1
[Image: DCX.jpg]

Mga Bahagi

Head: CR-H98XS-EYE2
Core: C05-SELENA
Arms: A11-MACAQUE
Legs: CR-LF93A2
Booster: B04-BIRDIE2
FCS: CR-F73H
Generator: KONGOH
Radiator: ANANDA
Inside: I05D-MEDUSA Dikoy Dispenser
Extension: NONE
Back Unit R: CR-WB91LGL Linyar GaN
Back Unit L: WB24RG-LADON2 Reyl GaN
Arm Unit R: CR-WR93RL Linyar Raypol
Arm Unit L: WL13L-GORGON Leyser Raypol

Di ko pa nasusubukan to dahil wasak nanaman yung PS ko. Pero sa tingin ko mas maganda ang defense rating nito kaysa dun sa mga sinaunang disenyo. Ang problema nito ngayon ay ang katakawan nito sa paggamit ng enerhiya. Nais ko mang palitan ang kanyang mga kasangkapang panglaban upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya, naaakit naman ako sa kagandahan ng mga bala ng kanyang mga kanyon na kulay dilaw(93RL Roll eyes 1LGL) at kulay rosas(LADON2 Wub GORGON).
Reply
#2
Mukhang okey naman yung katawan ng robot mo. Tsaka kung gusto mo talaga ang mga armas mo, wala na rin tayong magagawa dun. Pero palitan kaya natin yung BIRDIE2 para medyo mas magaan sa enerhiya?

Panalo nga pala yung pangalan.
Reply
#3
Siguro gamitin ko nalang yung Nix sa halip na gorgon at idowngrade yung ladon2->ladon.
Pinagnanasahan ko ding gamitin ang GRIFFON+LADON(para magkaternong berde ang putok) sa halip na GORGON+LADON2.
Kung gumaan ng konti baka mag G91 ako para dun sa vulture/2. Bahala na, ang mahalaga ay napatibay ko ang kanyang pangangatawan.
Reply
#4
Para sa akin, napansin ko lang nung di katagalang-nakakaraan na may pagka-matakaw ang Macaque sa enerhiya. Di malubha, pero nandun parin. Marahil gusto mong subukan ang ibang mga kamay sa magaang klase? Tulad ng FL o FG, mas mababa ng kaunti ang depensa ng mga ito ngunit makakatulong naman sa... sa... enerji repres mo.

Ngunit masasabi ko lang na mas maganda nga ang hitsura ng Macaque.

At manatiling uhaw, kaibigan.
Reply
#5
Gibbon, magandang alternatibo para diyan sa macaque
Reply
#6
sa pag-suri ko sa konteksto ng iyong disenyo, masasabi kong halimaw ang robot mo... pero matakaw nga ito sa enerhiya, kaya magiging limitado ang pag-galaw nito...

sa aking opinyon, pwede mong palitan ang GORGON ng ibang armas (katulad nga ng GRIFFON) kasi medyo may kabagalan ang leyser nito... o kaya pwede rin palitan ang EYE2 ng ibang ulo na halos kapareho ng depensa pero masmagaang and masmababa ang pangangailangan sa enerhiya.

medyo sang-ayon ako kung palitan ang LADON2 ng LADON, mas-magaang at masmababa ang pangangailangan sa enerhiya.

sa kaso ng BIRDIE2, di ko pa maisip kung anong alternatibo parte... pero matakaw nga ito sa pag-higop ng enerhiya, pero di naman kailangan ng robot mo ng mahabang pag-dash sa lupa, ayos lang kasi mataas ang akselerasyon nito at makakatulong sa pag-iwas sa mga panira ng kalaban.

maganda ang katangian ng MACAQUE... kaya walang problema kung hindi ito papalitan ng ibang alternatibong mga braso... pero sa opinyon ko, pwede ang FL, SL o kaya XS... ngunit bababa ang depensa ng disenyo pero mas-magaang sa enerhiya.


=^.^=


=^.^=
[Image: upeo113pr8.gif]


State-of-the-Art
Functionality
Balance



---
"I am more of a Teacher rather than a Pilot"
Reply
#7
AKO NA ANG TITIRA.

DRAW!!!

MAGLALAPAG AKO NG DALAWANG CARD SA FIELD SA FACE DOWN POSITION....

TATAWAGIN KO NA NGAYON ANG KAPANGYARIHAN NG BLUE EYES WHITE DRAGON!!!
FRONT MISSION FOR LIFE.<br><img src='http://tenmou.net/cgi/contribution/img/30.gif' border='0' alt='user posted image' /><br><i>RATATATATATATATATATATATA!!!</i>
Reply
#8
Head: CR-H98XS-EYE2
Core: C05-SELENA
Arms: CR-A82SL
Legs: CR-LF93A2
Booster: B03-VULTURE2

FCS: CR-F73H
Generator: CR-G91
Radiator: ANANDA

Inside: I05D-MEDUSA DECOY DISPENSER
Extension: NONE
Back Unit R: CR-WB91LGL Linyar GaN
Back Unit L: CR-WB78GL lantsa ng GRANADA
Arm Unit R: WR07M-PIXIE3 Masyin Gan
Arm Unit L: CR-YWH05R3 Raypol


Naisipan ko lang na palitan ang karamihan ng mga parte na matakaw sa pag gamit ng enerhiya. Hindi naman siguro masama kung bumaba ng labing anim na libo't apatnapung lima ang kanyang depensang pang enerhiya, at sa tingin ko maaari naman itong paabutin nang labimpitong libo kung itotono natin.

Maliban sa mga kamay, pinalitan ko rin ang karamihan ng kanyang mga sandata. Sa ngayon, nasisiyahan ako sa mga sari saring seleksyon ng kanyang mga armas. At dahil bumaba na ang pag gamit nya ng enerhiya, naisipan ko din na gamitin ang G91 sa halip na KONGOH ang pinagmumulan ng kanyang enerhiya.
Reply
#9
<object width="425" height="344"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/p2SSZA0CjdQ&hl=en&fs=1&"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/p2SSZA0CjdQ&hl=en&fs=1&" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="344"></embed></object>

Nasiyahan naman ako sa paggamit ng robot mo.

Hindi siya lalapitan dahil sa mga armalite mo at mga eksid orbit. Kapag nasa katamtamang layo ang kalaban, lagot siya dun sa tubong naglalabas ng granada. Kapag malayo naman ang kalaban, magandang panundot ang baril na linyar. Kahit 2671 lang ang natitirang enerhiya, hindi naman gaanong halata pag pinatakbo na ang robot.

Sa akin nga lang, hindi ko gustong naglalagay ng baril na linyar sa mga kwad dahil nag-iiwan ito ng mga puwang sa depensa tuwing ginagamit. Maganda lang ito kapag maraming pagtataguan at may oras kang mag MALING (SPAM). Kung medyo maliit o walang pagtataguan ang pook ng paglalaban, inilalaglag ko na lamang ito.

Ganito nga pala ang ginawa kong pag-tono sa robot mo para kayanin ng mga binti ang kabuoang bigat.

mata tu (3,0,4,3,0)
silina (9,0,0,1,0)
es el (0,0,4,6,0)
ei tu (0,0,2,6,2)
bulchur tu (0,4,3,3)
ep pitompu't tatlo eich
gee siyamnapu't isa (0,8,2)
ananda (0,0,10)


Manatili kang uhaw, kaibigan.
Reply
#10
Putanginang tagalog yan nakakalunod. LOL
Reply
#11
Nakakalunod nga, sa uhaw.

Mabuti naman at nagustuhan mo ang pag gamit ng robot ko. Sang ayon din ako sa opinyon mo dun sa linyar na kanyon. Ituring na lamang ito na laglagin o kaya isang MELI na sandata.

At naaalala mo pa ba kung gaano kabilis ang takbo ng robot ko kapag naka tono sya sa kanais nais na bigat? Nais ko lamang malaman dahil ang sinaunang bersyon ng robot ko ay gumagapang lamang nang tatlong daang kilometro bawat oras.
Reply
#12
Alang-alang sa'yo, pinaandar kong muli ang pangalawang palaruang estasyon.

Tatlong daan at labing isang kilometro kada oras kung sa tono katulad ng sa itaas.

Kung (0,6,1,3) ang bulchur 2, magiging tatlong daan at labing dalawang kilometro kada oras. Tatlongdaan at labing tatlong kilometro kada oras kung isagad.
Reply
#13
Domo Halos labing tatlong kilometro lamanang ang naidagdag?

Makakabuti nalang kung papalitan* ko nalang ng CR-C75U2 ang SELENA at magbulsa na lamang sya ng Handgan para sa kaliwang kamay. Tatlong daan at tatlumput lima ang kanyang bilis, ayon sa Bilder natin.....

Salamat muli sa oras mo.
Reply


Forum Jump:


Users browsing this thread: 1 Guest(s)