Current time: 11-24-2024, 05:27 AM
Corruption
#9
Nakakapikon nga, sobrang kalat na yung corruption sa kahit saang sektor ng bansa.

Ultimo sa regular na taong-bayan eh. Basta may isang bagay na puwede nilang ikabuti na pangsarili lamang, kahit gaano pa ito kasama, basta nakakatakas ang marami ng hindi napaparusahan, gagawin din. Putragis. Kayo sana daanan ng delubyo ng maranasan nyo ang hirap. Kakaunti na nga yang mga relief goods na [lumalabas], kung ikukumpara sa dami ng nasalanta, tinitipid at tinatago pa ng mga walang hiyang mga 'to!? Para saan? Sa donations-in-kind pa lang yan. Isipin nyo na lang kung saan napunta yung ilang milyong dolyar na nakuha natin mula sa mga kababayang concerned at sa ibang bansa.

Sabihin na nating kahit papano may lumalabas na goods sa mga nangangailangan. Eh anak ng tokwa, daig pa nila ang askal na pinapakain ng tutong eh. Ang dami daming pwedeng ibigay, pero tinitipid ang relief goods at ipinadadala lang yung may mababang halaga. Para bang itinitira talaga yung mga imported na goods at yung mga valuable. Hintayin niyo ang Presidential election season. Malamang doon lalabas yang mga 'relief goods' na yan. Ipambibili nila ng boto. Punyeta.

Sinong di mapapamura sa kalokohan na ginagawa ng kapwa natin Pilipino? Nakakahiyang nakakainis, 'diba?
Reply


Messages In This Thread
Corruption - by Grim - 10-23-2009, 06:35 PM
RE: Corruption - by NiX - 10-24-2009, 02:54 AM
RE: Corruption - by Fox - 10-24-2009, 08:34 AM
RE: Corruption - by azuriel07 - 10-24-2009, 08:51 AM
RE: Corruption - by Goat - 10-24-2009, 09:30 AM
RE: Corruption - by Shintetsu - 10-24-2009, 02:26 PM
RE: Corruption - by Grim - 10-24-2009, 04:33 PM
RE: Corruption - by Shintetsu - 10-26-2009, 04:28 AM
RE: Frakkin Flood n' Rain - by Aruren - 10-23-2009, 10:04 PM
RE: Frakkin Flood n' Rain - by NiX - 10-24-2009, 01:21 AM
RE: Frakkin Flood n' Rain - by Sforza - 10-24-2009, 02:48 AM

Forum Jump:


Users browsing this thread: 2 Guest(s)