Current time: 11-18-2017, 02:27 PM

Thread Closed 
The Rules
Message Author
Post: #1

Mabuhay, mga kababayan ko na addict din sa Armored Core.

Eto na ang hinihintay nating lahat: The Raven Republic, ang bahay/tambayan ng mga
Filipino Ravens.

Malaya kayo dito, yun ang dapat una niyong malaman. Pero meron lang akong mga
ilang mga gustong sabihin tungkol sa kalayaan na yan:

1. RESPECT. Dapat respetuhin ang ibang tingin ng tao. Ibig sabihin, no
flaming. (Well, unless the person really, really deserves a good pwning. For guidelines,
see number 2 and number 3.)

Sa tingin ko naman alam niyo kung ano at kung hindi ano ang kasama sa flaming.
Magaan naman ako sa mga pwedeng sabihin sa loob ng Republic (wala akong
nilagay na swear filters, ganyan ang paniniwala ko sa inyo), pero dapat din may
mga limitasyon tayong ilagay sa sarili natin.

2. FREEDOM OF SPEECH. Ang problema ng lahat ng forums sa mundo.
Pamilya at magkakaibigan tayo dito. Lahat ng mga hiritan dapat wag personalin.
Walang mapipikon.

Isa rin yan sa mga rason kung bakit walang ranking system dito sa RR.
Para maramdaman niyo lahat na pantay pantay tayo. Kung kailangan niyong
mag-spam at hindi niyo talaga mapigilan, sana konektado doon sa pinag-uusapan
ang one-liner nyo, haha.

Pano mapipigilan ang sobrang pagmumurahan at spamming? See the next rule.

3. EVERYTHING IN MODERATION. Pwede kasing may pumunta ditong mga minors,
at dapat tayong maging good example para sa kanila. Basta tandaan niyo nalang, be
mature when you read, and be mature when you post. Speaking of posting...

4. PLEASE READ BEFORE YOU POST. Tignan niyo muna kung nasagot na ang
tanong niyo o may topic na na katulad sa gustong niyong simulan. Para mapanatili
nating malinis ang boards. Merong search function sa taas at sa loob ng mga forum
mismo, aralin niyo kung pano gamitin.

5. PLEASE POST IN THE PROPER FORUM. Kasama ng number 4 para sa kalinisan
ng site at para kumonti ang sakit ng ulo ko, pakisigurado niyo lang na sa tamang lugar
kayo nagpopost. Simple lang naman ang layout natin eh. May Armored Core at
Miscellaneous bilang mga main sections. Kung ano ang hindi konektado sa AC,
malamang nasa kabila.

Addendum: About the off-topicness in posts: I'm willing to put up with that,
but like I said, it's hopefully something that's at least marginally connected to the
current discussion. Or something that will help. Or something funny. If it isn't funny,
you might as well GTFO.

Addendum 2: On double posting: double and multiple consecutive posts are only allowed
if the two posts (or more) are one day apart. Otherwise, they will get merged.

6. STREAMLINING. Please keep your avatars and signatures reasonable.

The maximum size for avatars is 150x150, 100kb.
The maximum size for signatures is anything that is reasonable, but anything wider than
640 pixels will be caught by the automatic image resizer. So unless you like having your
signatures boxed by a bright red line, don't go beyond that number.

Some good image hosters can be found at <a href='http://imageshack.us' target='_blank'>ImageShack</a> and <a href='http://photobucket.com' target='_blank'>Photobucket</a>.

Meron tayong mga 56k users dito, maging mabait tayo sa kanila.

7. HAVE FUN. Be yourself. Hindi mo na kailangang magtago sa ilalim nang
takot na ma-ban sa <a href='http://www.armoredcoreonline.com' target='_blank'>ACO</a> o anumang site. Tongue

Addendum: Be smart about number seven and all of the remaining rules. When
two or more of them contradict each other and to what you're planning to do, be the
better man or woman and think about it for a while. The relative freedom in this board
should not be abused.

Yun lang naman. Welcome to the Raven Republic.

Peace.
(This post was last modified: 09-05-2008 01:03 AM by Grim.)

Grim

Semi-retired

Group: Admin
Posts: 7,025
Joined: Aug 2006
Status: Offline

PSN: Grimlogic_

Visit this user's website Find all posts by this user
08-13-2006 07:02 PM
Thread Closed 




 Quick Theme:


The Raven Republic ©
Established August 13, 2006.
Nakataga na sa bato yan!